The subscriber cannot be reached.

8 Jun 2010

First day, first class…

Nagkamali ako ng room na pinasukan. Instead na HUM2, sa PHYS1 ako pumasok. Hindi ko naman kasi alam na mauuna pala ang PhySci Lecture Hall B kaysa sa Lecture Hall A. O hindi lang ako nagbabasa? Medyo napahiya tuloy ako kay kuya.

Una kong na-experience ang ganitong kahihiyan last 2nd sem. Pumasok ako sa Math27 na dapat ay Math1 lang. Sa first row pa ako umupo noon at large class pa, kaya bongga ang exit ko. WAHAHAHAHA. Nakakahiya.